Wednesday, March 5, 2008

AP Notes: THOMAS HOBBES.

Ito ay ang paglalarawan ng kontrobersyal na librong, LEVIATHAN. Makikita dito na ang higante ay nagrerepresenta ng gobyerno noong panahon ng Interregnum at ang kanyang kabuuan ay ang sambayanan.
  • Pilosopong Ingles
  • Pundasyon ng Pilosopiyang Politikal
  • Pinanganak sa Wilthsire, England noong Abril 5, 1588.
  • Nag - aral siya sa Unibersidad ng Oxford.
  • HUMAN NATURE
    • Unang sektor ng pag - aaral na ginawa sa Oxford; ito ay serye ng mga doktrina.
    • Iniugnay ang tao sa sambayanan at ipinaliwanag na ang lipunan ay kinabubuuan ng mga taong Bruto kaya nagkakagulo ang lipunan
  • KRITIK sa MEDITATIONS ON FIRST PHILOSOPHY ni Rene Descartes
  • DE CIVE
  • Tumatalakay sa natural na kaalaman ng tao.
  • Kinasasangkutan ng 3 bahagi: DE CORPORE (ibig sabihin SA KATAWAN); DE HOMINE (ibig sabihin SA TAO); DE CIVE (ibig sabihin SA MAMAMAYAN)
    • Ang mga bahaging ito ay tumatalakay sa relihiyon, dominyon at kalayaan na gustong gampanan ng lipunan.
  • 1645 - Pinatawag ni Descartes upang maging hukom sa problema nina John Pell at Longomontanus sa kanilang problema sa pag - square ng circle.
  • Panahon ng Interregnum - kinailangan ng hari ng taga - suporta sa monarkiya; kaya pumunta si Hobbes sa Europa upang magsilibi bilang taga - suporta.
  • Dahil maraming nakakilala sa kanya sa panahong ito, dito siya nagkaroon ng interes sa politika.
  • MATH TUTOR ni Prince Charles II.
  • LEVIATHAN
    • Pinakakontribusyon ni Hobbes; pinakakontrobersyal na libro niya.
    • Dahil dito, pinatamaan niya ang gobyerno na masyadong kontrolado ang lipunan.
    • Ang kanyang konsepto na gusto niyang iparating sa sambayanan: Ang pag - aabuso ng gobyerno ay dapat na lamang tanggapin ng mga tao at ito na ang nagsisilbing premyo ng kapayapaan.
    • Ang kanyang konsepto na gusto niyang iparating sa gobyerno: Kapag masyado ang pag - aabuso at pagkontrol nila sa mga tao, dapat asahan nila ang rebolusyon at paghihiganti ng lipunan.
    • *Dahil sa kanyang konseptong ito, nagdemanda ang mga tao ng social contract sa gobyerno upang masigurado nila na sila ay protektado ng sarili nilang bansa.
    • "THE WAR OF ALL AGAINST ALL."
    • Pinintas ang mga doktrina ng Commonwealth. (Dahil dito, nagalit ang mga royalista, Angelicans at Katolikong Pranses.)
  • Dahil sa gulo, iniwasan ni Hobbes ito, at siya ay bumalik sa Inglatera.
  • Nang naging hari na si Charles II, siya ay bumalik sa Paris at nagkaroon ng katawagang HOBBISM (ibig sabihin na mayroong responsibilidad ang tao sa moralidad at relihiyon).
  • Pinrotektahan siya ni Charles; ngunit siya pa rin ay tinuligsa ng House of Commons noong 1666.
  • HOUSE OF COMMONS - nagpasa ng bill laban sa ATHEISM at PROFANENESS.
  • Sinunog ang mga ibang sulat at gawa.
  • Ipinagbawal na siya na magsulat at magpalimbag ng kahit ano.
  • Ipinagbawal din siya na idepensa ang kanyang mga opinyon sa mga kaaway niya.
  • Namatay - Disyembre 4, 1679.
  • Friday, February 29, 2008

    AP Notes: HOUSE OF STUART

    Ang nagpasimula ng Stuart monarch ay si JAMES I ng ENGLAND at siya ang JAMES VI ng SCOTLAND (Iisang tao lamang sila) . Siya ang pumalit sa trono ng Inglatera matapos mamatay si Elizabeth (sapagkat, wala na kasi sa Pamilyang Tudor na pwedeng mag - angkin ng trono kasi pinatay ni Elizabeth I ang kanyang pinsan na si Mary, Queen of Scots). Kaya ang sumunod sa trono ay ang pamangkin ni Elizabeth I at anak ni Mary (Queen of Scots), na si James (Naangkin niya ang trono ng England -- sa ngalan ni Elizabeth; at and trono ng Scotland, sa ngalan ni Mary).

    JAMES I, UNANG HARI SA HOUSE OF STUARTS (1603 - 1625)

    • Jacobean Age (Ito ang tawag sa panahon ng pamumuno ni James I)
    • Naniniwala siya sa Divine Rights of Kings -- ito ay ang batas na nagsasaad na ang mga hari ay gagawin ang kahit na ano sa ilalim ng kanyang kapangyarihan at siya lamang ay mananagot sa Diyos.
    • Siya ang nagpatigil sa mga representasyon ng doktina ng mga simbahan na iba sa kanyang paniniwala, at ginawa niyang obligasyon ang pagpunta sa misa.
    • Tumanggi sa mga PURITANS para sa repormasyon ng simbahan. Sapagkat ang kanyang relihiyon ay Katoliko.
    • Inobiga ang paggamit ng King James Bible.
    • Kahit siya ay isang matalinong lider, nakaligtaan niyang bigyan ng pansin ang pangpenansyal na problema.
    • Namatay siya ng maraming iniwan na utang sa bansa.
    • Nang siya ay namumuno nagkaroon ng kapayapaan sa England at Europe.

    CHARLES I (1625 - 1649)

    • Carolean Age (tawag sa panahon ni Charles I, na ang ibig sabihin ay ang pagkakaroon ng restorasyon ng monarkiya)
    • Siya ang bunsong anak ni James I, ngunit namatay ang kanyang kapatid na panganay na si HENRY (premature death), kaya siya ang nakamana ng trono.
    • Walang kapayapaan sa kanyang panahon. (Ito ang panahon kung saan humayo siya ng pakikipaglaban sa Espanya, dahil tinanggalan ng Hari ng Spain ang mga lupain ng asawa ng kanyang kapatid. Dito din kumakalat sa England ang gulo ng Thirty Years War)
    • Hindi siya sinusuportahan ng parlyamento; pinahirapan siya ng Duke of Buckingham.
    • 1628 - PETITION OF RIGHTS (Ito ang serye ng mga batas na ginawa ng Parlyamento upang matawag nila ang pansin ni Haring Charles. Nakatalaga sa batas na ito na hindi maaaring magpatong ng buwis ang hari na hindi kunukunsinti ng Parlyamento.)
    • 1629 - Itinigil niya ang Parlyamento at nagdesisyong mamuno ng mag - isa sa susunod na 11 taon. (Itong panahon na 11 taon na paghahari niya ay tinatawag na ELEVEN YEARS TYRANY or the PERSONAL RULE; at sa panahong ito, nakipagbati siya sa Pransya at Espanya)
    • Naniniwala din siya sa Divine Rights of Kings.
    • Naging mahigpit siya sa relihiyon ng Scotland. At pinakalat niya ang bagong Prayer Book na The Book of Common Prayer (Sapagkat ang librong ito ay sinasangayunan ng mga Scottish Bishops, ito ay kinagalitan ng maraming Presbyterian Scots sapagkat nakita nila na ang Prayer Book na kinakalat ng hari, ay para mapakilala at mapabago ang relihion ng Scotland sa ANGELICAN. At dahil dito, nagkaroon ng FIRST BISHOPS' WAR at tumuloy na din ang SECOND BISHOPS' WAR)
    • Hindi siya tinulungan ng kanyang militar sapagkat nagagalit sila sa pinapatungan niyang mga buwis.
    • Ang utang at paghawak ng pera ng kanyang panahon ay napakalala na kinailangan na niyang ibalik ang suporta ng Parlyamento na kumokondena sa istilo ng kanyang paghahari, at ito ay magdadala ng kanyang bansa sa CIVIL WAR.

    *Sa panahon ng pagitan ng paghahari nina Charles I at Charles II, ang ENGLAND ay naging REBUBLICAN COMMONWEALTH at PROTECTORATE (ibig sabihin na ang England, Scotland at Ireland o ang UK ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Lord Protector) sa ilalim nina OLIVER AND RICHARD CROMWELL. Ang panahong ito ay ikinikilala bilang ENGLISH INTERREGNUM or COMMONWEALTH OF ENGLAND (ito ay naidulot sapagkat nagkaroon at nakubli muli ang kapangyarihan ng Parlyamento noong Civil War).

    ENGLISH INTERREGNUM: OLIVER CROMWELL (1649 - 1658)

    • 1649 - Oliver Cromwell (LORD PROTECTOR of the NEWLY REFORMED REPUBLIC of ENGLAND)
    • Siya ang namuno sa Ireland at Scotland. Maraming Irish Catholics ang galit sa kanya.
    • Nang makuha niya ang Ireland, siya ay nagdeklara ng gera laban sa Netherlands sapagkat sila ang pinakamalaking kalaban ng Inglatera sa pangangalakal.
    • Nagsagawa ng kolonya sa JAMAICA at WEST INDIES.
    • Nang siya ay namatay, pinalitan siya ng kanyang anak na si RICHARD CROMWELL; ngunit siya ay hindi nagtagal sapagkat in - abdicate niya ang trono kasi wala siyang interes na mamuno.

    *Dahil sa palpak na pamumuno ni Richard Cromwell, pinabalik ng mga tao ang monarkiya sa pamumuno ng mga STUARTS.

    CHARLES II (1660 - 1685)

    • Restoration Age (ito ang tawag sa panahon ni Charles II, sapagkat dito nabalik ang pamahalaang monarkiya)
    • Bunsong anak ni CHARLES I at kapatid ni JAMES II. (Siya ay ipinili na mamuno sapagkat ang kanyang relihiyon ay Anglican, na kinikilalang relihiyon ng Inglatera at Scotland; ang panganay na anak, James II, na karapat - dapat sa trono ay hindi sinang - ayunan ng mga tao sapagkat ang kanyang relihiyon ay Katoliko).
    • 1651 - pinamunuan niya ang isang invasion kung saan babawiin niya ang kanyang trono kay Cromwell. Tinalo niya si Cromwell at nanatili siya sa France ng siyam na taon.
    • 1660 - Siya ay bumalik sa England bilang Haring Charles II.
    • Kinilala din siya bilang MERRY MONARCH dahil sa kanyang hilig sa mga parties, music at teatro.
    • Nagkaroon ng SECOND ENGLISH PARLIAMENT (binigyan halaga ng Parlyamento ang relihiyong Angelican at ito ay pinilit nila sa lahat ng tao)
    • Dahil dito, gumawa ang Parlyamento ng maraming batas para ipatigil ang pagkalat ng Kristiyanismo. (Ang lahat ng mga aktong ito ay kinikilala bilang CLARENDON CODE)
    • CORPORATION ACT 1661 - narestrikto ang mga opisinang pampubliko; at ito na lamang ay para sa mga iyembro ng simbahan ng England
    • ACT OF UNIFORMITY 1662 - ginamit ang Book of Common Prayer (Dahil dito, maraming clergymen ang natanggal sa simbahan)
    • CONVENTICLE ACT 1664 - pinagbawalan ang mga religious assemblies na kinasasangkutan ng limang tao at higit pa
    • FIVE MILE ACT 1665 - pinagbawalan ang mga clergymen na lumapit ng 5 miles sa parishes.
    • Binawi niya ang matataas na buwis (dahil dito, nakuha niya ang suporta ng Parlyamento)
    • Nagkaroon sila ng digmaan kasama ang mga Dutch dahil sa maraming problema ukol sa pera.
    • 1665 - Great Plague of London (7000 tao ang namamatay sa loob ng isang linggo -- walang explanation kung bakit; kaya ito tinawag na plague)
    • 1666 - Great Fire of London (sinasabi na ang Roman Catholic Church ang nagsimula ng great fire na ito.)
    • TEST ACT - Ito ay ang akto kung saan nakatalaga na kung gusto ng isang tao na makuha ng civil o military post, kailangan niyang tanggapin ang Angelican Church at ang lahat ng prinsipyo nito. Ibig sabihin nito ay pinagkakaitan ang mga Katoliko sa mga ibang pribilehiyo nila. Nang mamuno si JAMES II, na isang Katoliko, ginawa niya ang lahat upang tanggihan ang aktong ito. Inalis niya ang act na ito at pinatanggal niya ito sa High Court Tory. Ipinahayag na niya ang kanyang balak sa pagpapalit ng relihiyon sa Katolisismo at ito ay nagbunga ng maraming problema sa Inglatera.

    *RYE HOUSE PLOT - ito ang plota na ginawa ng mga republikano na magrebolusyon upang ipatanggal ang monarkiya at mabalik ang istilo ng Cromwell. Pinamunuan ito ng Duke of Monmouth. Hindi ito naging matagumpay sa mga republikano sapagkat nagtulungan ang magkapatid na si Charles at James na kalabanin sila.

    JAMES II (1685 - 1688)

    • Nakatatandang kapatid ni Charles II.
    • Siya ay nagtagumpay kahit naipasa na ang Test Act noon 1673 na nagsasabing bawal kumuha ng kahit anong posisyon sa gobyerno ang mga Romano Katoliko.
    • Kinalaban ng Duke of Monmouth at ito ay nagdulot ng mararaming trials na nawalan ng pagiging loyal sa gobyerno. Ang tawag dito ay ang BLOOD ASSIZES.
    • Matapos lumabas ang Blood Assizes, maraming kumondina kay James at pinapapalit siya sa kanyang son - in - law, si WILLIAM III.
    • Ang kanyang pamumuno sa Inglatera ay itinawag na Glorious Revolution.
    • GLORIOUS REVOLUTION - Ito ay isa sa pinakaimportante na nangyari sa kasaysayan ng Inglatera noong 1688. Tinawag itong 'Glorious' dahil nakamit nito ang mga mithiin ng walang isang tulo ng dugo. Si James II ay namuno noong 1685 matapos mamatay ang kanyang kapatid. Minithi niyang ibalik ang Romano Katoliko sa England at hindi ito nagustuhan ng mga mamamayan at sila ay nag - alsa. Ang paglalaban na ito ay nauwi sa pagkapanalo ng mga tao at isang konstitusyonal na monarkiya ang naitatag sa Inglatera. Ang kapangyarihan ay napunta sa kamay ng mga Ingles. Ang pangunahing rason ng rebolusyong ito ay ang socio - political factors at mga isyu tungkol sa relihiyon.
    • RELIGIOUS ISSUES - Ang pagsisikap ni James II para maipabalik ang Katolisismo sa England ay umabala sa mga tao. Matagal na niya pinapangarap na ibalik ito kahit na maalis pa siya sa trono. Hindi siya naging kontento sa kanyang pagiging Katoliko. Nag - isyu siya ng pahayag noong paakyat siya sa trono na susuportahan niya ang Church ng England at papanatilihing personal na isyu ang kanyang relihiyon; nagalit ang mga tao sa kanya nang ginusto nyang gawin Katoliko ang buong bansa.
    • Siya ay pumuntang Pransya at doon na siya namatay.

    WILLIAM III, Prince of Orange (1688 - 1702) at MARY II (1688 - 1694)

    • HOUSE OF ORANGE - NASSAU
    • Sila ang magpinsan na nagpakasal. Si MARY II ay anak ni James II, at si WILLIAM III, ay anak ni William II of Orange at Mary (Si Mary ay kapatid ni James II).
    • Join sovereigns of England
    • Tinanggap ito ng Scotland ngunit ang Ireland ay naging loyal pa rin kay James II.
    • Si Willam ay namuno ng isang army papunta sa Ireland.
    • Protestante si William at siya ay nakipaglaban kay Haring Louis XIV (Katoliko) ng Pransya
    • *ACT OF TOLERATION 1689 - ipinahayag na sumasang - ayon pa rin ang gobyerno sa mga taong hindi nakakakilala sa relihiyong Protestant. Ngunit, ang aktong ito ay hindi sinusundan sa mga Katoliko (Ang mga Katoliko pa rin ay pinagbawalan ng paglilipat ng relihiyon). Ito ay ginawa ng Parlyamento
    • *DECLARATION OF INDEPENDENCE - Nagpahayag si William ng pagkalaya sa mga Katoliko

    QUEEN ANNE OF GREAT BRITAIN (1702 - 1714)

    • Augustan Age (ito ang tawag sa panahon kung saan lumaganap ang British poetry at literature)
    • Kapatid ni Mary II
    • Kasal kay Prince george of Denmark
    • Sinuporta ang Glorious Revolution
    • ACT OF UNION 1707 - ang England at Scotland ay ipinagsama at kinilala na sila bilang isang Kaharian lamang, ito ang Kaharian ng Great Britain.
    • Walang anak sina Mary at William kaya siya ang sumunod sa trono.
    • Walang anak si Anne; nabuntis siya ng 18 beses, 13 miscarriages; 5 namatay.
    • Huling Stuart monarch.

    *IMPORTANT NOTE TO KAGITINGAN: Sorry not all the notes here were discussed by our group. Notes italicized, indicated in asterisks, and notes found inside the parentheses are MY PERSONAL NOTES, which are apart from the group. The report given to all of you lacks a lot of information, so I researched in advanced and explained further. Just ask me if you have any questions.